Sunday, January 16, 2011
Ang "GUARDIANS" at Kalikasan...
Sa mga nangyayaring kalamidad sa ating bansa at mga karatig bansa na patuloy na binabaha na dahil na din sa ating mga pinaggagagawang paninira ng ating kalikasan... ay pumasok na ba sa isipan natin na tanging isang malaking organisasyon na binubuo ng mga matitino at matatalinong tao ang tanging sulosyon ng mga problemang ito.....
Ayon sa Securities and Exchange Commission sa ating bansang Pilipinas na sinaliksik ng isang "Pinagpipitagang GUARDIANS" ay mayroon ng Apatnapu't dalawang Organisasyon ang nakarehistro na may pangalang "Guardians" na sa kasalukuyan ay patuloy pa ding dumarami ang mga paksyon at miyembro.....
Napakaganda kung iisipin kung tunay na kapatiran o brotherhood ang mga simulain ng apatnapu't dalawang organisasyon na ito at binibigyang halaga ang mga naka-tattoo sa kanilang mga balikat....ang pagiging matino, maginoo, at matatalino bilang tagapagturo ng mga dapat gawin para masulosyunan ang mga problema ng ating bansa, mamamayan, at namamatay nating kalikasan....
Ang inyong lingkod...si "Fdr Jimrey" ay nagkaroon na o nasapi na sa tatlong magkakaibang Organisasyon, ang una ay ang "United Guardians Party (UGP)" na sinundan ng "Guardians Ng Masang Pilipino Organization(GMPOI)" at ang pangatlo na "Guardians Reformist for Environment and Truth (GREAT)....na masakit mang sabihin ay hindi ko nakitaan ng tunay na kapatirang hinahanap ko para ako ay tulungang isalba ang ating kalikasan....
Ang "Guardians Stop Global Warming Foundation, Inc. (GSGWFI)" na aking itinayo kasama ang ibang "Guardians" na umalis din sa kanilang organisasyon at mga sibilyan o walang tattoong mamamayan ay hindi nabibilang sa apatnapu't dalawang Organisasyon dahil ito ay isang "Foundation" na walang ninanais kung hindi ang makatulong sa ating bayan, sa ating mamamayan, at namamatay na kalikasan.....
Sa panahong ngayon na kailangan ng magkaisa ang lahat ng "Pilipino" para sa ating namamatay na kalikasan ay kailangan na ding magkaisa ang lahat ng may tattoong "GUARDIANS".... dahil kailangang-kailangan na tayo ng ating kalikasan.....
Kung tunay na kapatiran ang ating mga layunin ay tiklop-tuhod akong nakikiusap bilang isa ninyong kapatid na hayaan ninyo akong turuan kayo kung paano pa natin maisasalba ang natitira pa nating kalikasan....o samahan ninyo akong matakot sa mga posible pang mangyayari sa mga darating na kalamidad sa ating bansa....at samahan din ninyo akong labanan ang mga "Salot ng ating Kalikasan"...iyan na lang po ang tangi nating magagawa...kung hindi ninyo aalamin kung paano pa sasagipin ang namamatay nating kalikasan....
Isa sa mga "Feasibility Study" ko na isang copyrighted material dito sa ating bansa ay ang "STOP GLOBAL WARMING OF THE GUARDIANS"....na sadya kong ginawa para sa mga kapatid nating "GUARDIANS" na gustong makatulong (Volunteer) at gayun na din ang mga walang sapat na pinagkakakitaan pero may sapat na kaalaman na atin namang gagawing "Workers for Nature"....dito po ay maaring maipadala pa natin sila o makapunta tayo sa ibang bansa dahil problema ng lahat ng bansa ang "NANGYAYARI NGAYON SA ATING KALIKASAN"...kung ako po ay inyong pakikingan at paniniwalaan...kayo na mga kapatid ko sa "GUARDIANS"....
Ang paniwala ng iba nating kapatid na ang ating "Foundation" ay isang paksyon ay lubos na malaking pagkakamali...dahil hindi po namin kayo hinihikayat na lumipat ng paksyon, hinihikayat po namin kayo na kami ay tulungang sagipin ang ating kalikasan,na makakatulong na kayo at may pakinabang pa...na hindi kailanman aalis sa inyong paksyon kung paniwala ninyong ito na ang pinakamagandang organisasyon o paksyon na inyong nasalihan...wala pong magbabago sa inyong paniniwala...ang gusto lang namin ay turuan kayo bilang isang "ADVOCATOR" na ang adbokasiya ay tulungan at sagipin ang ating kalikasan......na kahulugan ng isang letra sa ating balikat...
Ngayon na ang oras ng pagkakaisa...dahil sa ayaw man natin o gusto...nandiyan na ang pagbabago ng ating klima...na singkahulugan ng "GLOBAL WARMING"....kaya nga ang pangalan o titulo ng ating "Foundation" ay "Guardians Stop Global warming Foundation, Inc." na itinayo ng mga "GUARDIANS" na walang masasabing paksyon....na mga umalis sa grupo dahil sa mga ginagawa ng mga namumuno....na puro pansariling kapakanan lang ang hinahangad, na halos hindi na makita ng mga miyembro ang para naman sa kanila...isa po dito ang inyong kapatid na si "Fdr Jimrey"...na gustong bigyan ng halaga ang bawat miyembro ng kapatiran...na hindi magagawa kung hindi itatayo ang ating "Foundation"....kaya dito po ay walang kinikilalang paksyon...lahat dito ay "Welcome"...lalo na ang mga natatakan lang at walang kinikilalang namumuno....bibigyan po natin sila ng mga pangkabuhayang proyektong (Livelihood for Nature) pangkalikasan...na hindi kayang ibigay ng mga organisasyon dahil sa walang kaalaman...
Totoo po ito...dahil ang isang "Organisasyon" ay within members only ang puwedeng hingan ng tulong...tanging sa mga miyembro lang iikot ang pondo...paano pa kung sa mga namumuno lang mapupunta at hindi sa proyekto o sa mga miyembro....ito po ang sinasabi nating walang kaalaman....
Ang isang "Foundation" kung may mga proyekto ay kayang humingi ng tulong sa labas....sa mga hindi miyembro pero gustong makatulong, ito po ay batas...lalo na kung kayo ay may lisensiya ng "Department of Social Welfare and Development (DSWD)....na kahit sa ibang bansa ay puwedeng humingi ng tulong....ang ating pong "Guardians Stop Global warming Foundation, Inc." ay kumpleto sa lisensiya....simula sa Barangay, sa Siyudad, Sa Bureau of Internal Revenue (BIR), sa Securities and Exchange Commission (SEC)at DSWD...ito po ang lamang natin sa ibang mga Organisasyon.....
Tama po....sa kasaysayan ng "Pilipinas"...tayo lang po ang "Makakalikasang Pondasyon ng mga miyembro" o Environmentalist's Foundation" ang tanging may lisensiya sa DSWD, sabihin ninyo kung kami ay namamali dahil kung sakaling mayroon pang ibang grupo, kami at tayo ang nauna sa kanila....
Kaya kung sakali man na ayaw ninyo talagang magkaroon pa ng isang "Foundation" na makagagaapay sa inyong "Organisasyon" at sinasabi ninyong tama na ang isang "Organisasyong inyong kinaaniban" ay ipa-affiliate na lang po sa amin ng magawa ninyo din ang mga pangkalikasang proyekto na kailangang-kailangan na sa panahong ngayon....
Ngayon naman po, kung sakaling napakadami namang paksyon ang nasa inyong lugar, magusap-usap po sana ang mga namumuno na gamitin na lang ang "Foundation" sa kapatiran...nang sa gayun ay tunay ng magkaisa ang mga "Guardians" lalo na sa panahong ito na kailangang-kailangan na ang mga "Guardians" na tutulong sa ating kalikasan na may pakinabang...opo...na may pakinabang.....dahil hindi po tayo "Organisasyon".....kung hindi isang "Foundation" na sagana sa teknolohiya na tutulong sa ating bayan, sa ating kalikasan, at mga susunod nating lahi....
Mahihirapan po ang ating "Foundation" kung hindi tayo magkakaisa dahil sabi nga ng Beatles sa kanta nilang "Hey Jude" ang "And anytime you feel the pain (Hey Jude)refrain to carry the world upon your shoulder, well you know it is a fool who plays it cool by making this world a little colder".....hindi na puwede ang hinay-hinay na pagkilos, ang kailangan natin ngayon ay drastikong pagkilos para sa ating kalikasan....at tanging mga "Guardians" lang ang makakagawa niyan....at mga taong hindi plastik ang ginagawang pagtulong sa ating kalikasan....
Basahin na din po sana ang blog na "Ano ba ang Foundation, at ano ba ang "Guardians Stop Global Warming Foundation, Inc." (http://anobagsgwfi.blogspot.com)? at ang pahina ng blogger sa ating website na makikita ang mga link sa ibaba ng "Kalikasan at "Wikang Filipino"", na makikita sa gawing kanan, itaas ng ating blog!
Antabayanan na din po ang blog na "Gumawa o Tumulong ng may Pakinabang" na ating isusunod dito.....at huling hiling sa mga kapatid ko sa "GUARDIANS"....magbasa at magkomento po sanang lagi sa ating grupong "Kalikasan at "Wikang Filipino" sa ating networking group sa facebook.com!
Sa mga kapatid nating "Organisasyon" na hindi naisama ang "LOGO" ay hinihingi po namin ang inyong paumanhin....ito po ay dahil sa kakulangan ng espasyo ng ating larawan sa blog....
Salamat po sa inyo mga kapatid ko sa "Guardians", mabuhay kayo, at GOD Bless sa inyong lahat....
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
MABUHAY KAYO GUARDIANS!!! Sakit.info
ReplyDelete